Miyerkules, Enero 30, 2013

This Is The Start

Wala pang Feb pero sinusulat ko na to.... Isang bagay lang naman kasi ang dahilan... ako ang walang love life! XD Haha..Kapag nakakakita ako ng ibang couples sa paligid ko, hindi ko maiwasan mainggit at sabihin sa sarili ko "What's wrong with me?" i know... stupid right? Tapos, naiisip ko... ang mga dahilan na to... kung bakit di ko yun dapat isipin...

>God made each and everyone of us PERFECT.

       Hindi ako kagandahan, chubby rin ako... nasasabi ng ibang tao na GC much ako... pero sa totoo nyan di naman talaga ako GC.. hehe XD  hindi rin ako mahilig makihalubilo sa iba.. pero isang bagay ang alam ko... may binagay si Lord sakin na something special gaya ng ginawa nya sa lahat. Kahit sabihin niyo sakin ngayon na "panget ka at walang kwenta" ayos lang... hindi ko hahayaang tapak tapakan niyo ko... KAYA KONG MAGTIMPI! Pero oras na magsalita kayo ng hindi maganda sa mga pinahahalagahan ko.. World War III tayo mga teh... away galore tayo!!!

>Eh, ano naman? I have the family anyone would want...

     Ang mama ko, lagi niyang sinasabi na maganda ako.. sino ba naman kasing nanay ang sasabihan ang anak ng "Anak, ang pangit pangit mo!" wala naman siguro diba? Si papa... kahit nakakatakot sya tignan, mabait din. Lalo na kapag sinusundot ko yun sa kanyang pwet at ang tangi nyang nasasabi ay... "P*tang ina!!!"
okay... haha XDD at ang mga kapatid ko... 3 kong ate, kahit malayo ang mga edad namin.. (31, 26, 25 . ako 14) super close kami sa isa't isa... as in... pano ba naman.. magkakamukha kaming lahat kaya di mapagkakailang magkakapatid :) lagi kaming may oras para magkulitan at magtawanan... tapos naiiisip ko.. aanhin ko ang love life na di ko alam kung magtatagal kung sa love pa lang ng family ko busog na busog na ko?

> Someday, he'll come

    Yeahp.. lahat tayo nangangarap na makilala ang ating prince or princess.. at matupad ang fairytale nya... kaya ako... eto nangangarap pa rin :) yung taong...magpapasaya sakin at magpapatibok ng puso ko... alam kong dadating din sya.. :))





haiiiizzzz... eto ang start ng pagdadada ko.. di pa to matatapos ng ganun kabilis.. basta... everyday itry ko magsulat... basta di busy sa school :) well... til next time ya pips :)